-- Advertisements --
Tumaas pa ang kabuuang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na tinamaan ng coronavirus disease sa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dahil sa apat na bagong kaso na kanilang naitala ay sumampa na ng 10,390 ang total COVID-19 cases sa mga OFWs.
3,019 sa mga ito ang kasalukuyang ginagamot habang 6,594 naman ang gumaling na at 777 ang namatay.
332 Pinoy na ginagamot ay mula sqa Asia Pacific, 195 mula Europe, 2,326 sa Middle East at Africa at 166 naman sa The Americas.
Wala namang naitalang bagong recovery o namatay dahil sa virus.