-- Advertisements --
Aabot na sa halos 600 ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Base sa pinakahuling update mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) 569 na ang kabuuang Pinoy na nasa ibang bansa ang nag-positibo sa virus.
Karamihan sa mga nag-positibong OFWs ay nasa Asia Pacific Region na aabot na sa 217 habang 192 sa Europa.
Lumobo na rin sa 61 ang tinamaan ng covid sa Middle East at Africa at 99 sa Americas.
Sa ngayon, nasa 346 na ang sumasailalim sa treatment, habang 158 ang nakarekober at nakalabas na ng ospital.
Nasa 65 Pinoy abroad naman ang nasawi dahil sa COVID-19.