BUTUAN CITY – Hustisya ang sigaw sa pamilya Kipkipan sa Purok 5, Brgy. Taguibo nitong lungsod sa Butuan sa brutal na pagkamatay ni Jenerose Coscos Kipkipan.
Napatay ito dahil sa mga pasa at sugat sa katawang natamo nito na pinaniniwalaang kagagawansa kaniyang amo habang nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia.
Sa eksklusibong panayam sa Bombo Radyo Butuan, inahayag sa live-in partner sa biktimang si Jose Delima na noong Enero pa nitong taon nagsimula sa pagtatrabaho ang biktima na ang kaniyang among babae ay nagmamaltrato sa kaniya.
Ang kaniyang ikinadismaya nang napag-alamang lumabas sa death certificate na normal death lamang ang ikinamatay nito taliwas sa daming mga sugat at pasa sa katawan ng biktima dahilang pursigido silang mabigyan ng katarungan ang kamatayan ng biktima na nag-iwan ng limang mga anak.
Nangako rin umano ang Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) na matapos ang libing nito bukas, Linggo, Septembre 27, sisimulan na nila ang paghahanda sa mga dokumento upang masampahan ng kaso ang resposable.