-- Advertisements --
Cauayan city- Nakalabas na sa quarantine area sa Hong Kong ang isang Overseas Filipino Workes o OFW matapos makumpirma na hindi kinapitan ng Novel Coronavirus.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa Pinay Vlogger at businesswoman na si Elena Jermice, sinabi niya na isinailalim sa quarantine na Ofw dahil may hostel ang kanyang employer at may mga guests sila mula sa China.
Ang OFW ay dinalaw ng mga kawani ng Konsulada ng Pilipinas.
Samantala, bukod sa facemask, sinabi ni Jermice na nagkakaubusan na rin sa mga tindahan ang alcohol dahil sa pagpanic buying ng mga mamamayan sa Hong Kong.