-- Advertisements --

Pinangangambahan ng ilang mga ekonomista na babagsak ang mga remittance ng mga overseas Filipino workers (OFW) dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni I-Remit president Harris Jacildo, na ito ang unang beses na mangyayari sa loob ng 20 taon ang pagbagsak ng OFW remittance.

Base sa datos ng gobyerno na mayroong mahigit 30,000 na OFW ang uuwi sa bansa dahil sa kawalan ng trabaho dulot krisis na dala ng coronavirus.

Nauna nang sinabi ng World Bank na makakaranas ang buong mundo ng pagbagsak ng mga remittances dahil sa nasabing virus.