Inamin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na patuloy ang kanilang negosasyon ng pamahalaan ng Russia hinggil sa posibilidad na mabigyan ng proteksyon ang mga Pilipinong household service worker sa naturang bansa.

Ayon sa DOLE, binabalangkas na ng dalawang estado ang mga hakbang na maaaring gawin para matugunan ang panukala ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kamakailan na magkaroon ng labor agreement ang Pilipinas at Moscow.

Kung maaalala, hiniling ni Arroyo sa St. Petersburg International Economic Forum ang paglalagda ng kasunduan sa dalawang bansa para maproteksyunan ang nasa halos 10,000 OFW sa Russia.

Naniniwala ang DOLE na isa ang “migration regime” sa mga sagot sa panukala ng outgoing House Speaker.

Sa ilalim nito, paghahambingin ng Pilipinas at Russia ang kanilang mga batas at panuntunan para sa tamang documentation ng mga OFW, gayundin sa pagpapapasok ng Russia sa mga foreign nationals.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here