-- Advertisements --

May tulong na inilaan ang OFW party-list para sa mga Filipino na nakauwi dahil sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militants.

Ayon kay OFW party-list Rep. Marissa Magsino, na isa sa kanilang tulong ay ang reintegration program.

Kaantabay nila ng iba’t-ibang ahensiya ng bansa sa nasabing tulong.

Patuloy din ang pakiusap ng mambabatas sa mga Filipino na nasa Israel na samantalahin ang ginagawang repatration program ng gobyerno.