NAGA CITY- Labis na kahirapan sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang epekto ng pagdeklara ng bankruptcy sa bansa ng Sri Lanka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bombo International News Correspondent Zeny Verdillo mula sa nasabing bansa, sinabi nito na problema nila ang mababang pasahod dahil sa pagtaas ng palitan ng dolyar at dobleng pagsirit ng presyo ng mga bilihin gayundin ang kakulangan sa produktong petrolyo at ang nangyayaring power interruption.
Mababatid na ideniklara ni Presidente Gotabaya Rajapaksa ang bankruptcy dahil na rin sa kinakaharap na malaking krisis sa ekonomiya ng bansa.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Verdillo na hindi nakikilahok ang mga OFW sa isinasagawang mga kilos-protesta.
Aniya, ipinapaubaya na nila sa mga local an gayong mga aksyon.
Sa ngayon, panawagan na lamang nito at ng mga OFW na maging maayos na ang sitwasyon sa naturang bansa.