-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nagpasaklolo sa himpilan ng Bombo Radyo Vigan ang kaanak ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia na higit isang taon ng hindi makauwi ng bansa matapos ma-confine sa ospital.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Elmer Aglibut, kapatid ng Pinay workers na si Carmern Aglubit-Tabon na isang airline company ang tumangging isakay ang kanyang kapatid sa kabila ng kumpletong mga dokumento nito.

Wala raw ibinigay na malinaw na rason ang naturang kompanya kung bakit hindi tinanggap sa biyahe ang pasyente.

Batay sa ulat, naaksidente si Carmen habang nasa bahay ng kanyang amo.

Na-stroke ito at ngayon ay kalahating parte ng kanyang katawan ang hindi pa makagalaw.