-- Advertisements --
Mary Anne Daynolo

Kinumpirman ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III na naiuwi na sa bansa ang bangkay ng isang overseas Filipino worker (OFW) na pinatay sa Abu Dhabi.

Ayon kay Bello kasunod pa rin ito ng pagkakakilala na sa bangkay ng biktimang si Mary Anne Daynolo, 30-anyos.

Sinabi ni Bello na base sa kanyang pakikipag-ugnayan sa Labor attache sa Abu Dhabi na si Manny Dimaano, Marso pa noong nakaraang taon nang mapaulat ang naturang Pinay at natagpuan lamang noong Enero ng kasalukuyang taon.

Lumalabas na halos siyam na buwan na itong nakalibing nang madiskubre ng mga otoridad sa naturang bansa sa pakikipagtulungan ng Philippine Oveseas Labor Office (POLO).

Bago raw nadiskubre ang bangkay, napaamin ng mga otoridad doon sa Abu Dhabi ang isa sa tatlong suspek na si Paul Ugandan na hindi pa tiyak kung naka-relasyon ng biktima.

Inamin daw nitong sinaksak niya ang suspek sa leeg gamit ang isang patalim.

Sa ngayon, hiniling daw ang kaanak ng biktima ni Daynolo na maisailalim muli sa otopsiya ang bangkay ng biktima at magsagawa rin ng DNA test.

Nais malaman ng pamilya ng Labor department kung ano talaga ang ikinamatay ng biktima at kung siya ang nawawalang OFW.

Tiniyak naman ni Bell na makakatanggap ng tulong at benepisyo ang mga naulila ng OFW.

Nais din ng kalihim na matundon na sa lalong madaling panahon ang dalwa pang suspek sa krimen.

Marso 4 pa noong nakaraang taon nang napaulat na nawawala ang biktima sa The St. Regis Saadiyat Island Resort, Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE).