Plano ng Department of Migrant Workers na palawakin pa ang serbisyo ng Overseas Filipino Workers Hospital and Diagnostic Center o mas kilala bilang OFW Hospital, para sa mga Overseas Filipinos at kanilang mga kaanak.
Ito ay upang mas maraming mga overseas filipinos at mga kamag-anak ng mga ito ang matulungan sa pamamagitan ng sapat at akmang medical services para mga ito.
Ayon kay DMW Undersecretary Hanz Leo Cacdac, nais nilang malagyan ng Out Patient Department ang nasabing ospital, na siyang magbibigay ng libreng medical consultation para sa mga migranteng mangagawa ng bansa.
Ito ay maliban pa sa mga medical services na nais nilang idagdag sa mga kasalukuyan nang serbisyo ng nasabing ospital.
Pagtitiyak ni Cacdac na suportado ng pamahalaan ang mga pagbabagong ito na pinaplano para sa pangunahing pasilidad na tutugon sa mga problemang pangkalusugan ng mga Pinoy overseas workers.
Maalalang nauna nang pinuna ni Senator Raffy Tulfo ang nasabing ospital dahil sa aniya’y mistula itong ghost town.
Ayon sa DMW, ang nasabing ospital ay isang work in progress, at magpapatuloy ang ginagawang pag-aayos dito.
Matatagpuan ang OFW Hospital sa MacArthur Highway, Barangay Sindalan, San Fernando, Pampanga.