-- Advertisements --
Patuloy na isinusulong ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkakaroon ng digital app para sa mga overseas Filipino workers (OFW).
Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na target nilang mailunsad ito ng hanggang Oktubre 27.
Dagdag pa ng kalihim na patuloy ang ginagawang testing ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para matiyak na ito ay walang mga glitches o problema.
Sa nasabing digitalization ay mababawasan ang oras ng mga OFW sa pagproseso ng kanilang mga dokumento.
Ilan sa mga feature nito ay ang pagkakaroon ng help desk para agad na matugunan ang mga kinakaharap na problema ng mga OFW.