-- Advertisements --
k 12
Students wearing protective masks join a school activity in Manila, Philippines on Friday, Jan. 31, 2020. The World Health Organization declared the outbreak sparked by a new virus in China that has spread to more than a dozen countries a global emergency after the number of cases spiked more than tenfold in a week, including the highest death toll in a 24-hour period reported Friday. Health officials in the country recently confirmed the Philippines’ first case of the new virus. (AP Photo/Aaron Favila)

Tiniyak ngayon ng Office of the Vice President (OVP) na magde-deploy sila ng tatlong food trucks sa ilang paaralan sa buong bansa para matugunan ang problema ng malnutrition at kagutuman ng mga estudyante sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ni OVP Local Affairs and Special Programs Division chief Norman Baloro na sa pamamagitan ng “Kalusugan Food Trucks” ay susundin nila ang 120-day feeding program menu.

Pupuwesto ang mga ito sa mga paaralan at institutions para maresolba ang nutritional challenges ng mga bata sa komunidad.

Ipatutupad ang programa sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd) at Department of Health sa pamamagitan ng National Nutrition Council.

Sinabi ni Baloro na ang tatlong truck ay ipinahiram sa OVP sa ilalim ng usufruct agreement hanggang 2028.

Ang isang truck ay para sa Luzon, isa para sa Visayas at isa naman para sa Mindanao.

Susundin daw nila ang 120 days na prescribed ng National Nutrition Council.

Gagamitin din ang naturang mga food trucks bilang mobile kitchens kapag mayroong kalamidad bilang bahagi ng disaster operations ng pamahalaan.