Dinipensahan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang kanilang proposed confidential funds na nagkakahalaga ng P19.2million.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, makakatulong ito para sa paggampan ng kanilang mandato bilang isang epektibong counsel para sa gobyerno.
Kabilang sa tinukoy ng SolGen na tungkulin ng ahensiya ang reversion proceedings, naturalization cases at international disputes.
Ginawa ng SolGen ang naturang pahayag matapos magpahayag ng pagkabahala si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III kaugnay sa P9.3 billion halaga ng confidential at intelligence funds na inilaan sa proposed budget sa susunod na taon sa ilang ahensiya ng gobyerno kabilang dito ang P669.2 million para sa tatlong ahensiya na walang kinalaman sa national security.
Maliban pa dito, pinuna rin ni Senador ang paglalaan ng P500 million na pondo para sa Office of the Vice president at P150 million para sa Department of Education na nasa kabuuang P650 million sa Confidential at intelligence funds sa ilalim ni VP at Education Secretary Sara Duterte.
-- Advertisements --