-- Advertisements --

Gumastos ng nasa P14.98 bilyon ang Office of the President noong 2020.

Ayon sa Commission on Audit (COA) ang nasabing halaga ay mula sa maintenance and other operating expenses (MOOE).

Sa nasabing halaga ay P9.97 bilyon dito ay nagastos sa advertising, printing and publication, representation, transportation and delivery, rent o lease, membership dues, subscriptions and donations.

Sa nasabing P9.97 bilyon ay P9.35 bilyon dito ay napunta sa donasyon.

Ang nasabing gastos ay mas mataas ng P5.33 bilyon noong 2019.

Tumaas din ang confidential, intelligence and extraordinary expenses sa MOOE noong 2020 na nagkakahalag ng P4.58 bilyon na mas mataas ng P2.51 bilyon noong 2019.