-- Advertisements --
Kinumpirma ng Malacañang na sinibak sa pwesto si Office of Civil Defense deputy administrator Toby Purisima.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, tinanggal sa posisyon si Purisima dahil sa kawalan ng tiwala at kumpiyansa dito ng pangulo.
Dating nanilbihan bilang tagapagsalita ng task force sa rehabilitasyon ng Marawi si Purisima.
Nitong araw nang kumpirmahan din ng Palasyo ang pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa resignation ni Usec. Eliseo Rio ng Department of Information and Communications Technology.