Naka-red alert status na ngayon ang Office of Civil Defense (OCD) kasunod ng pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mina Marasigan, layunin nito na matutukan ang pamamahagi ng tulong at ayuda sa mga naaapektuhan ng gulo sa Marawi City.

Sinabi ni Marasigan na nasa Iligan City ang sentro ng operasyon ngayon
kung saan karamihan sa mga nagsisilikas sa Marawi City ay doon nagsipuntahan.

Tiniyak ni Marasigan na sapat ang suplay ng mga relief goods na ipapamahagi sa mga internally displaced persons.

Binigyang-diin ni Marasigan na may nauna nang 20,000 food packs para sa mga nagsisilikas.