Hinimok ng OCTA Research ang pamahalaan na muling ipatupad ang bubble policy sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, o ang tinatawag na NCR Plus, pati na rin ang restrictions sa mga kabataan sa harap ng banta ng mas nakakahawa na Delta variant.
Sinabi ni Dr. Guido David na sa pamamagitan ng bubble policy ay maaring magtuloy-tuloy pa rin ang economic activity sa Metro Manila at maiiwasan naman ang posibilidad na magpatupad ng mas mahigpit na quarantine classification.
Magugunita aniya na huling nagpatupad ng bubble policy sa NCR ay noong nagkaroon ng surge sa COVID-19 cases sa mga nakalipas na buwan.
Bukod sa bubble policy, sinabi ni David na dapat ay magpatupad din ng restrictions ulit sa movement ng mga bata lalo pa at hindi naman sila eligible pa sa COVID-19 vaccination.