-- Advertisements --

Inirekomenda ng Octa Research ang pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region kapag nabigong kontrolin ng gobyerno ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Octa Research Senior Fellow Professor Ranjit Raye, kapag napababa ang bilang ay itutuloy pa rin ang bubble subalit kapag nabigo at patuloy ang pagtaas ay kailangan na ang mas mahigpit na quarantine.

Mataas pa rin aniya ang reproduction rate ng virus sa NCR na mayroong 1.99 na ibig sabihin na ang mga taong mayroong COVID-19 ay maaaring makahawa ng mahigit na dalawa.

Dagdag pa ni Rye na bagamat isinusulong ng gobyerno na dapat buksan ang ekonomiya ay maaaring magpatupad ang gobyerno ng mas maluwag na bersyon ng MECQ.