-- Advertisements --
image 287

Mayorya o 70% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ay nagnanais na ang administrasyong Marcos ay higit pang igiit ang mga karapatan sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng diplomasya at iba pang mapayapang pamamaraan, ito ay matapos magsagawa ng survey ng OCTA Research.

Batay sa resulta ng Tugon ng Masa nationwide survey na isinagawa noong Hulyo 22 hanggang Hulyo 26, ang Visayas ang may pinakamataas na porsyento ng mga Pilipino (84%) na naniniwalang dapat unahin ng kasalukuyang administrasyon ang pagtatanggol sa mga karapatan sa teritoryo ng bansa sa WPS sa pamamagitan ng mga naturang pamamaraan.

Sinundan ito ng Mindanao (70%), habang ang National Capital Region (NCR) at Balance Luzon ay statistically tied sa 64% at 67%, ayon sa pagkakasunod.

Karamihan sa mga Pilipino sa iba’t ibang socio-economic classes ay naghahangad din ng ganoon, na may 80% sa Class E na umaasa sa diplomasya at iba pang mapayapang pamamaraan. Ito ay mas mataas kaysa sa Class ABC (58%) at Class D (69%).