Umapela ang Office of the Civil Defense (OCD) sa publiko na itigil ang napaulat na paghahanap ng gold sa gumuhong lupa sa Maco, Davao de Oro.
Ipinunto ni OCD spokesperson Edgar Posadas na mas mahalaga ang paghahanap at pagsagip sa 110 katao na nawawala sa landslide kesa ang paghahanap sa ginto.
Kayat nanawagan ang ahensiya sa publiko na makiisa sa ginagawa nilang pagsisikap lalo na sa mga rescuer na inilalagay sa panganib ang kanilang buhay para mahanap ang mga survivor o labi ng mga biktima upang maibalik sa kanilang pamilya.
Una na kasing napaulat ayon kay OCD Region XI director Ednar Dayanghirang na sumugod umano ang mga tao sa karatig na ilog para hanapin ang napakaraming gold mula sa bukid na nawash-out dahil sa landslide.
Noong gabi ng Martes nga ng mangyari ang landslide na tumama sa may garage ng isang bus company, isang barangay hall at residential areas sa Zone 1 Barangay Masara sa bayan ng Maco na kumitil na ng ilang katao at apektado ang libu-libong indibidwal.