-- Advertisements --

Batangas2

Pinaalalahanan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga mamayan ng mga dapat nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng pagputok ng bulkan.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Taal, na nananatili sa Alert Level 3.

Paala ng OCD, mahalagang maging pamilyar sa mga senyales ng napipintong pagputok ng bulkan kabilang ang madalas na pagyanig ng lupa, at ang pagbabago ng kulay ng usok ng bulkan sa kulay abo.

Bago pa man maganap ang pagputok, ihanda na ang go-bag, alamin ang mga paglikilasan, at manatiling naka-monitor sa situasyon.

Sa pagkakataon naman na nagaganap na ang pagsabog ng bulkan, sumunod sa abiso, at agad lumayo sa mga mapanganib na lugar tulad mga ilog at sapa na possibleng daluyan ng lahar.

Pagkatapos naman ng pagputok, manatiling alerto at pangalagaan ang sarili sa panganib dulot ng volcanic ash.