Naglabas ng memorandum ang Office of Civil Defense sa mga tanggapan nito sa Bicol Region at Calabarzon na nag-uutos na paigtingin pa ang knailang monitoring at close coordination sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Councils at iba pang supporting agencies sa lalawigan.
Ito ay sa gitna ng patuloy na koordinasyon ng kagawaran sa Philippine Institaue of Volcanology and Seismology at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagtataas ng Alert Level 3 status sa Bulkang Mayon, at Alert Level 1 naman sa Bulkang Mayon.
Ayon kay Civil Defense Administrator at National DRRMC Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno, mahigpit nilang binabantayan ngayon ang nasabing mga bulkan at mga banda nito na pwedeng idulot sa publiko.
Kaugnay nito ay PHIVOLCS ang mga residente sa mataas na tiyansa ng pagsabog ng nasbaing mga bulkan kasabay ng panawagan ng maging alerto laban sa mga pyroclastic density currents, lahar at sediment-laden streamflows ng nasabing bulkan.
Dagdag pa rito ay pinapayuhan din ang mga piloto na iwasan muna ang paglipad malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa mga abo na mula sa anumang biglaang pagsabog ay maaaring mapanganib sa sasakyang panghimpapawid