Nakikipagtulungan na ang Office of the Civil Defense (OCD) sa iba’tibang ahensiya ng gobyerno para sa patuloy na pagpapatupad ng mga intervention para palakasin pa ang kahandaan ng ating bansa sa mga kalamidad.
Ilan sa mga prayoridad ay ang pagtiyak na mayroong matibay na mga imprastruktura at mayroong sapat na resources sa pagtugon sa kalamidad sa buong bansa.
Kaugnay nito, inatasan na ni Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno ang mga regional office ng OCD para tiyaking mayroong updated na listahan ng mga kritikal na pasilidad kalakip ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa mga struktura sa pakikipagtulungan na rin sa Department of Public Works and Highways at iba pang concerned agencies.
Ito ay alinsunod na rin sa National Disaster Risk Reduction and Management Plan 2020-2030 sa ilalim ng Prevention and Mitigation Pillar na nagsasaad na mayroong pangangailangan para sa pinaigting pa na structural integrity sa mga kabahayan, mga gusali at critical infrastructure.
Samantala, ipinag-utos din ni Nepomuceno ang regional directors na magsumite ng reports kaugnay sa available rescue assets gaya ng ruber boats, heavy rescue equipment, water infiltration machines, information at communications equipment.










