KORONADAL CITY – Nagpapatulyo ang damage assessment ng Office of the Civil Defense (OCD -12) sa apat na mga probinsiya sa Soccsksargen na apektado ng flash flood dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo koronadal kay Ms. Joremae Balmediano, Information Officer ng OCD-12, inihayag ng mga ito na dahil sa masamang panahon, binaha ang ilang mga lugar sa North Cotabato, Palimbang, Sultan Kudarat, Saranggani at South Cotabato.
Ayon kay Balmediano nasa 42 mga pamilya na pawang mangingisda ang nawasak ng fishing boat sa Palimbang, Sultan Kudarat.
Dagdag pa nito, maraming mga bahay din ang naapektuhan, pananim, alagang mga hayop at maging ang mga imprasktraktura.
Sa bayan ng Pigcawan, North Cotabato ay umabot sa lampas tao ang tubig baha kung saan nasa daan-daang pamilya din ang na-rescue ng mga otoridad sa pangunguna ni Mayor Juanito Agustin.
Maging ang alkalde ay nanawagan ng tulong sa mga karatig na munispyo lalo na nang mga rescue boats upang mapasok ang mga lugar na apektado ng baha.
Sa ngayon, patuloy pa ang monitoring at assessment ng OCD 12 sa buong rehiyon lalo na at sa BARMM ay marami na ang casualties dahil sa malawakang baha at landslide.