-- Advertisements --
Senior Agila

Nilinaw ng kampo ng ilang senador na kakapusan sa oras at kawalan ng available flights ang dahilan ng kanilang pagliban sa occular inspection sa kuta ng umano’y kulto sa Sitio Kapihan, Socorro, Surigao del Norte.

Matatandaan na una nang napagkasunduan nina Senators Jinggoy Estrada, Robin Padilla, Sherwin Gatchalian at Francis Tolentino na magtutungo sila sa compound ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI), subalit si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa lamang muna ang natuloy doon.

Pero sa panig ni Sen. Dela Rosa, wala namang problema na mag-isa siyang senador na dumayo doon, dahil katuwang naman sa aktibidad ang mga tauhan sa Senado at ilang lokal na otoridad.

Pangunahing target ng Senate panel ay mahanap ang umano’y “mass grave” sa lugar na pinaglibingan ng mga kasapi ng Socorro Bayanihan at mga sanggol na namamatay doon.

Inaasahang ilalabas ang official report sa susunod na hearing ng kapulungan sa mga darating na araw.

Ang leader ng grupo na si Jay Rence Quilario o nagpapatawag na Senior Agila ay una nang ikinulong sa Senado, kaasama ang iba pa nitong opisyal ng organisasyon dahil sa hindi raw pagsasabi ng totoo sa public hearing ng dalawang Senate panel.