-- Advertisements --
Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro, nitong Miyerkules ng hapon lamang.
Nai-record ito kaninang bago mag-alas tres ng hapon.
Ang epicenter ay naitala sa layong siyam na kilometro sa hilagang silangan ng Santa Cruz, Occidental Mindoro.
May lalim itong 30 km at tectonic ang pinagmulan.
Instrumental Intensities:
Intensity III – City of Calapan and Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO
Intensity II – Abucay, BATAAN; Ternate, CAVITE
Intensity I – Batangas City, BATANGAS; Tagaytay City, CAVITE; Boac, MARINDUQUE; San Jose, Abra De Ilog, and Magsaysay, OCCIDENTAL MINDORO