-- Advertisements --

Inihayag ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng Target Reverse Repurchase rate nang 25 basis points upang umabot ito sa 5.0 porsyento.

Isinagawa ang pagtataas ng interes bilang paunang hakbang upang kontrolin ang banta sa implasyon na dulot ng El Niño, paggalaw ng presyo ng langis, at posibleng pagtaas ng sahod.

Dahil dito, ang interes para sa overnight deposit at lending facilities ay inayos na rin sa 4.5 porsyento at 5.5 porsyento. Inaasahang lalagpas muna sa 4.0 porsyentong ceiling ang average headline inflation para sa taong 2026 at 2027 bago unti-unting bababa patungo sa 3.0 porsyentong target sa 2028.

Tiniyak ng BSP na handa silang magpatupad pa ng mga karagdagang hakbang sa pananalapi upang mapanatili ang katatagan ng presyo ng mga bilihin sa bansa.