-- Advertisements --
Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) na nakatakdang manumpa sa Hulyo 8 ang mga bagong pumasa sa Chemical Engineer Licensure Exam.
Ito ay kinumpirma ng Komisyon sa isang advisory, at idinagdag na ito ay gaganapin virtually dahil sa patuloy na pandemya ng Covid-19.
Samantala, ang lahat ng inductees ay inatasan na kumuha ng online appointment schedule sa online services ng PRC bago magsara ang online registration ng hindi bababa sa limang araw sa kalendaryo bago ang nakatakdang araw ng oathtaking.
Inatasan din silang mag-print ng form na “Oath of Professional”, magsuot ng pormal na kasuotan, at gumamit ng puting pisikal o virtual na background sa buong seremonya.