-- Advertisements --
Supreme Court

Hindi na muna itutuloy ng Supreme Court (SC) ang oath taking ng mga pumasa sa 2019 bar examination ngayong buwan ng Abril.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyo Philippines sa Korte Suprema, naka-schedule ang oath taking sa Abril 30 ngayong taon.

Pero dahil pending pati ang resulta ng eksaminasyon na isinagawa sa apat na Linggo noong Nobyembre 2019 ay hindi muna itutuloy ang panunumpa ng mga bagong abogado.

Una rito, itinakda ngayong araw ng kataas-taasang hukuman ang special en banc session para pag-usapan ang release ng bar exam results pero ayon sa court sources, maging ito ay hindi na rin tuloy.

Ang panunumpa ng mga pumasang abogado ay karaniwang isinasagawa sa Philippine International Convention Center (PICC) pero dahil na rin sa extension ng Enhanced Community Quarantine at nagamit pa ang PICC bilang quarantine facility ay posibleng ilipat sa ibang venue ang pagdarausan ng oath taking ceremony.