-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Gagawin ngayong araw ni Cotabato Vice-Governor at Governor Elect Emmylou”Lala” Taliño Mendoza ang kanyang Oath-taking at inauguration.

Dadalo sa aktibidad ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan,tagasuporta at kaalyado nito sa Serbisyong Totoo.

Matatandaan na tinalo ng nagbabalik na Gobernadora si Incumbent Governor Nancy Catamco noong nakaraang eleksyon.

Nanabik na ang mamamayan sa probinsya ng Cotabato sa pagbabalik ng serbisyong totoo na nakatutok sa kapakanan ng taumbayan.

Unang sinabi ni Mendoza noong election campaign na Lalaban sya para sa bayan,Babagon Muli,Serbisyong Totoo,Serbisyong Makatao,Serbisyong para sa Cotabato.