Bagama’t tahimik na sa kinasangkutang kontrobersya, inuulan pa rin ng mas maraming suporta kaysa batikos ang babaeng nurse sa Russia na nasuspinde dahil umano sa paglabag sa uniform codes sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ang nasabing nurse na kinilala lamang sa pangalang Nadia, 23-anyos, ay naka-assign sa all-male coronavirus ward sa Tula Regional Clinical Hospital.

Mabilis na pinagpiyestahan sa internet ang larawan nito dahil sa pagsusuot lamang ng bikini sa ilalim ng kanyang transparent na protective gown, na sinasabing kuha mismo ng isa sa pasyente.

Russian nurse bikini PPE 2
(c) Surgey Butry

Ayon sa kasamahang nurse ni Nadia, nasa “state of shock” ang kaibigan dahil sa labis na stress at natatakot na mawalan ng trabaho.

Nabatid na hindi naman nabanggit ng naturang ospital ang partikular na parusa ng mga “big boss” laban kay Nadia.

Gayunman, isa-isa nang naglilitawan ang iba’t ibang lingerie brand at inaalok na maging modelo si nurse Nadia.

Ang Russia ay nasa pangatlong puwesto sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 at mayroong limang opisyal na ng gobyerno nila ang nadapuan ng virus. (globalnewsca / dailymail)