-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sasampahan na ng kaso ang isang nurse ng City Health Office (CHO) na nahuli sa isinagawang drug buy bust operation sa mga Buhangin PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-11 sa Brgy. Indangan Buhangin nitong lungsod.

Ayon sa Buhangin PNP, ang nahuling suspek ay kinilalang Top 7 sa Regional Level Drug Watchlist ng otoridad.

Nakilala ito na si alyas Tina, 36-anyos, nagpakilalang nurse at nadestino bilang Surveillance Officer sa Davao City Health Office at residente ng Brgy. Indangan.

Nakuha sa posisyon ni alyas Tina ang pakete ng illegal na druga na nagkakahalaga ng P16,000 at boodle money.

Napag-alaman rin na una na itong nahuli noong Agosto 2017 sa Talomo Police dahil pa rin sa pagkakasangkot sa illegal na druga at nakalabas noong Septyembre 2019 dahil sa ‘probation.’

Nasa kulungan na ang suspek at nasa kustodiya na rin ngayon ng otoridad ang mga nakumpiskang illegal drugs na gagamitin na ebidensiya sa isasampang kaso.