-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Isang nurse ang kauna-unahang Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 sa LIbya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Levi Bermudez, nurse sa Libya, sinabi niya na hindi pa nila alam ang pangalan ng nasabing pinoy nurse.
Ang nasabing nurse anya ay isang 47 anyos at nagtatrabaho sa emergency department ng isang ospital sa Tripoli, Libya.
Pinayuhan ng embahada ng Pilipinas sa Libya ang mga nakasalamuha at katrabaho ng pasyente na magself isolate o magpa-test na para hindi na kumalat ang virus.