Tiniyak ni Khabib Nurmagomedov na pahihirapan niya sa octagon si Justin Gaethje sa kanilang paghaharap sa UFC 254.

Gaganapin ang 155 pound wight class na laban sa Oktubre 25 sa Fight Island sa Yas Island, Abu Dhabi.

Sinabi ni Nurmagomedov na kahit na may malakas itong suntok at sipa ay magiging walang kuwenta ito kapag ito ay kaniyang makaharap.

Dagdag pa nito na 100 beses itong naghanda sa nasabing laban.

Hawak kasi ng 31-anyos na si Gethje ang UFC interim lightweight champion na mayroong record na 22 panalo at dalawang talo.