Arestado ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division (RID) -7 ang isang wanted man na Danny boy Sialana na tubong Brgy. Diplo, lungsod ng Kumalarang sa probinsiya ng Zamboanga del Sur bandang alas 4 ng hapon nitong Biyernes.

Itinuturing na number 1 Top most wanted man sa Zamboanga Del Sur ang suspek dahil sa kasong pagpatay ng isa ring Zambuangueno.

-- Advertisement --

Nahuli ang 37 anyos sa kanyang tinitirhang bahay sa Peace Valley, Brgy. Bulacao nitong lungsod ng Cebu.

Taong 2013 umano tinakasan nito ang kanyang nagawang krimen sa nasabing lugar at dito na naninirahan sa Cebu.