Tiniyak ng Commission on Elections na walang nang papayagang mga nuisance candidates sa mga susunod pang halalan.
Ayon kay CoMELEC Chair George GArcia, ayaw ng komisyon na makakita pa ng mag nuisance candidates sa mga darating na halalan, dahil sa silang nagpapalito sa mga botante.
Ibinunyad ng opisyal ang modus na ginagawa ng mga kandidato na may pinapatakbo at binabayaran umanong mga kakilala upang maghain lamang ng kandidatura upang lituhin ang publiko o hatiin ang boto ng publiko.
Ani Garcia, pipiliin na lamang ng COMELEC ang kanilang isasama sa final ballot, at tatanggalin ang mga matutukoy na nuisance candidates upang hindi na mahirapan pa ang publiko.
pagtitiyak ng opisyal na ang nasabing plano ay isasagawa na sa darating na BSK Elections sa buwan ng Oktubre.
Wala aniyang lugar ang mga nuisance candidates sa election process dahil binabahiran lamang nila ito, kayat mainam na pagbawalan na ang mga itong sumali sa sagradong pagpili ng mga bagong lider.