Target ngayon ng NBA defending champion Denver Nuggets na tapusin na ang first round Western Conference playoff sa pagitan nila ng Los Angeles Lakers.
Bukod kasi sa hawak ng Nuggets ang 3-1 na bentahe ay babalik ang laro sa kanilang homecourt ang Game 5.
Bagamat malaking hamon ngayon para sa Nuggets ang kuwestiyonableng hindi paglalaro ng kanilang best player at point guard na si Jamal Murray dahil sa calf injury ay hindi naman sila nababahala dahil andiyan pa si Nikola Jokic.
Ang sinumang makapasok sa ikalawang round ay makakaharap ang Minnesota Timberwolves na na-sweep ang Phoenix Suns nitong Lunes.
Sa ibang laro ay desidido si Filipino American coach Erik Spoelstra na maitabla nila sa 2-2 ang first round Eastern Conference playoffs ng Boston Celtics.
Hindi kasi hahayaan ng Heat na dalawang beses silang talunin ng Celtics sa kanilang home court sa Kaseya Center, Florida.
Noong Game 3 kasi ay tinambakan ng Celtics ang Heat 104-84 sa homecourt mismo ng Miami.
Nagpahayag ng kahandaan si Heat center Kevin Love na sumabak sa nasabing laban kontra Celtics.
Target din ng Oklahoma City Thunder na ma-sweep sa 4-0 ang western conference first round playoff nila ng New Orlean Pelicans.
Desidido ang number 1 seed sa Western Conference na Thunder na tapusin na at hindi na panaluhin pa ang number 8 seeded na Pelicans.
Nakakasigurado na ang OKC na talunin ang Pelicans dahil noong Game 3 ay kanila itong tinambakan 106-85.