Jen Aniston clear version
-- Advertisements --

Kasama ang nude portrait ng American actress na si Jennifer Aniston sa auction o ibinibenta bilang bahagi ng relief operations para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)

Ito’y mula sa 25 paintings ng veteran photographer na si Mark Seliger kung saan 100% ng sales proceeds ay ilalaan sa partner organizations na nagbibigay ng coronavirus testing and care nationwide.

Ang naturang nude portrait ng ngayo’y 51-year-old actress ay ginawa noon pang 1995 kung saan nagsisimula pa lamang sa kanyang career ang “The Break Up” star.

Si Aniston ay dating asawa ng Hollywood hearthrob na si Brad Pitt, at sumunod si Justin Theroux. (CNA)