-- Advertisements --
Itinuturing na isang “terrorist act” ang naganap na pang-aatake sa bagong advanced uranium centrifuges ng Iran.
Hindi naman binanggit ng Iran kung sino ang nasa likod nito at anong uri ng atake ang naganap sa kanilang pasilidad.
Hinikayat naman ng Iran ang international community na bigyan pansin ang mga nagaganap na nuclear terrorism.
Iniulat naman ng Israeli media na ang nasabing insidente ay resulta ng cyber attack.
Nitong Sabado ay pinasayanan ni Iranian President Hassan Rouhani ang bagong centrifuges sa Natanz site na isang paraan para sa uranium enrichment programme ng Iran.
Ang centrifuges ay kailangan para makagawa ng enriched uranium na gagamitin para makagawa ng reactor fuel.










