Natawa lamang si National Task Force for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela kaugnay sa mga alegasyong ipinupukol sa kaniya na isa raw siyang miyembro ng Central Intelligence Agency ng Estados Unidos.
Ito ay kasunod ng mga paratang ng ilang pro-China group laban sa kaniya matapos ang sunud-sunod na pagsisiwalat ng PCG sa mga ilegal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Tarriela, nakaka-flatter para sa kaniya ang mapagkamalan siyang isang Central Intelligence Agency agent dahil tila pang-Hollywood movies ang datingan nito.
Ngunit gayunpaman ay kinuwestiyon ng opisyal kung ano ang naging basehan ng mga trolls sa paratang na ito ay kung mayroon silang mga hawak na dokumentong magpapatunay dito.
Kung maaalala, una nang nagbabala si Tarriela sa mga pro-China groups at ilang indibidwal sa paggamit ng mag ito sa “claims, arguments and accusations” bagay na taliwas aniya sa mga factual reports na pinanghahawakan ng Pilipinas.