Mapanganib na nagmaniobra ang mga sasakyang pandagat ng China laban sa mga barko ng Pilipinas sa kamakailang resupply mission sa Ayungin Shoal,
Kinumpirma ng National Task Force West Philippine Sea (NTF-WPS) ang isinagawang dangerous maneuvers ng mga sasakyang pandagat ng China laban sa barko ng Ph sa gitna ng matagumpay na resupply mission sa Ayungin Shoal.
Ayon sa pahayag, ipinababatid din sa Task Force na muling naganap ang harassment, mapanganib na maniobra, at agresibong pag-uugali ng mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia (CMM) laban sa mga pampublikong sasakyang pandagat sa panahon ng pagsasagawa ng routine at regular na operasyon sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Ph.
Mariing kinondena ng NTF-WPS ang patuloy na ilegal, agresibo, at destabilizing na pag-uugali ng China Coast Guarad sa loob ng EEZ ng bansa.
Para sa task force, ang resupply operations ay ayon sa lehitimong paggamit ng gobyerno ng Pilipinas sa mga administratibong tungkulin at hurisdiksyon nito sa WPS.
Binanggit nito ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang 2016 Arbitral Award para sa nasabing mga operasyon.
Matatandaan na ang Armed Forces of the Philippines noong Biyernes ay nagsagawa ng panibagong resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.