-- Advertisements --

Bukod sa walong national spokesperson, nagtalaga rin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng mga tagapagsalita mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, ayon kay Undersecretary Joel Sy Egco.

Ayon kay Egco, isa sa mga national spokesperson ng NTF-ELCAC, nakatakda nilang ianunsyo ang mga napiling regional spokesperson sa lalong madaling panahon.

Ang pagtatalaga ng marami pang tagapagsalita para sa naturang task force ay paraan na rin nila para matugunan ang mga nakita nilang gaps o puwang.

Gayunman, sinabi ni Egco na hindi makakatanggap ng karagdagang sahod ang mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC sa iba’t ibang rehiyon sa bansa katulad ng sitwasyon para sa kanilang mga national spokesperson.