-- Advertisements --
sim card

Inihayag ng National Telecommunications Commission (NTC), na kasalukuyang nakikipagtulungan ito sa mga telecommunication companies upang tingnan ang legalidad ng panukalang i-deactivate ang ilang application at serbisyo ng mobile phone para sa mga user na ang mga SIM ay nananatiling hindi nakarehistro sa panahon ng 90-day na extension.

Ayon kay NTC deputy commissioner Jon Paulo Salvahan, pinag-aaralan na nila kung legal at technical itong magagawa at kung may sapat na oras upang ipatupad ang nasabing internet services deactivation sa mga unregistered SIM.

Kung matatandaan, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na tinatalakay ng ahensya sa mga telcos ang posibilidad na limitahan ang pag-access ng mga hindi rehistradong subscriber sa ilang aplikasyon at serbisyo sa social media sa loob ng 90 araw upang maranasan ng mga mamimili ang kahihinatnan ng hindi pagrehistro ng kanilang mga numero.

Sinabi ni Salvahan na maaaring maglabas ng pinal na pag-aaral o resolusyon sa usapin ngayong linggo hanggang sa susunod na linggo.

Kung maaprubahan, ang telcos ang mananagot sa pag-deactivate ng mga app o ilang serbisyo para sa kanilang mga subscriber na may mga hindi rehistradong SIM.