-- Advertisements --
Binalaan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko na huwag tangkilin ang mga nag-aalok ng SIM cards na nakarehistro na.
Ayon sa NTC na kanilang papanagutin ang pangalan ng tao kung saan nakarehistro ang SIM card na ibinebenta.
Nakipag-ugnayan na rin ang NTC sa mga kapulisan at ibang ahensiya para masawata ang nasabing iligal na nagbebenta ng pre-registered sim.
Sa ngayon aabot na sa mahigit 17 milyon ang nakapagparehistro ng kanilang SIM Card bago ang itinakdang deadline sa darating na Abril 27.