-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng National Telecommunications Commission (NTC) na kailangan ang malaking halaga para magkaroon ng mabilis na internet connection sa bansa.
Sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, na gaya ng ibang bansa ay gumagastos sila ng malaking halaga para sa nasabing usapin.
Inihalimbawa nito ang Japan na mayroong $162 billion na ginastos ganun din ang South Korea na mayroong gastos na $24 billion para mapabilis ang kanilang connections.
Mayroon ding 80,000 na communication towers ang Vietnam na apat na beses na mas marami kaysa sa Pilipinas.
Nasa pang-32 sa Asya ang fixed broadband speed ng bansa at nasa pang-34 ang mobile internet ng bansa base sa talaan na inilabas noong Oktubre.