Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga kumpanya ng telecommunication na siguruhing may mga technical at support personnel na nakaantabay sa mga lugar na tatamaan ng Bagyong Ulysses.
“Pursuant to Memorandum Order No. 05-04-2011, you are hereby directed to ensure that there are sufficient number of technical and support personnel and standby generators with extra fuel, tools and spare equipment in the areas forecast to be affected by the incoming Typhoon Ulysses,” base sa memorandum na ipinalabas ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.
Kaugnay nito, nagbigay din ng direktiba si Cordoba na agad ayusin ang mga apektadong cellsites sa mga rehiyong apektado ng bagyo.
“In line with this, you are also directed to preposition mobile cellsites in the affected regions and these should be made ready for deployment anytime. You are reminded of your responsibility to submit reports to the Commission of the status of your respective network and facilities,” dagdag pa niya.
Huling namataan ang Bagyong Ulysses sa layong 100 kilometro sa kanluran ng Virac, Catanduanes o 350 kilometro sa silangan ng Infanta, Quezon kaninang alas-10:00 ng umaga.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksiyong westward.
May taglay lakas ng hangin na 125 kilometers per hour ang bagyo at pagbugso na 155. Lumakas pa at isa nang ganap na typhoon ang Bagyong Ulysses.