-- Advertisements --
NTC Office Quezon City

Hindi na umaasa ang National Telecommunications Commission (NTC) na 100% na mairehistro ang mga Sim cards sa buong bansa ilang araw na lamang bago ang nakatakdang deadline.

Paliwanag ni NTC Deputy Commissioner John Paulo Salvahan na base na rin kasi sa karanasan ng ibang mga bansa umaabot lamang sa 70% ang average ng nagpapata;a ng sim card habang ang nalalabng hindi nagparehistro ay na-deactivate.

Marahil aniya may ibang mga SIM owners na hindi na magpaparehistro ng kanilang SIM cards dahil sa ilang kadahilanan.

Sa ngayon, ayon sa NTC wala pang tinitignan na pinal na numero ang ahensiya para sa target na maipatalang mga SIM card.

Iniulat ng NTC official na batay sa datos noong Abril 20, nasa 75.5 million sim cards pa lamang o 45% ng kabuuang bilang ng aktibong sim cards ang rehistrado mula sa 168.9 million na kabuuang aktibong SIM sa buong bansa.

Aniya, ang mga hindi pa rehistradong SIM card ay awtomatikong made-deactivate subalit maaaring ma-reactivate kapag iaapela sa loob ng limang araw.

Sa statement naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong araw ng Miyerkules, una na nitong sinabi na hindi pa palalawigin sa ngayon ang deadline na nakatakda sa Abril 26 sa kabila pa ng mga kahilingan mula sa mga telecommunication companies.