-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isa na namang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa gobyerno sa bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte kaugnay sa walang tigil na pagsisikap ng Police Regional Office (PRO) 13 upang matapos na ang lokal na komunistang armadong pakikibaka.

Ayon kay PRO-13 Director BGen. Romeo Caramat Jr., sumuko si alyas James, 20, residente ng nasabing bayan na aktibong miyembro at team leader ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) sa ilalim ng Guerilla Front (GF)16A, sa Kitcharao Municipal Police Station bitbit ang isang improvised shotgun na may kargang apat na mga bala.

Ayon sa heneral, sumuko si James matapos ang sunod-sunod na negosasyon kungsaan nariyalisar nito ang panlilinlang na ginawa ng makaliwang grupo sa kanya.

Ayon kay Gen. Caramat, patuloy na nakakatanggap ang PNP-Caraga ng iilan ng mga surrenderors sa nakalipas na mga araw dahil sa mas pina-igting at patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya.