CENTRAL MINDANAO- Isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa militar sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang rebelde na si alyas Raffy ng Guerilla Front 53 ng Southern Mindanao Regional Party Committee.
Ayon kay 602nd Brigade Commander, Brigadier General Roberto Capulong na sumuko si alyas Raffy sa tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion Philippine Army na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Niel Roldan.
Dala ni alyas Raffy sa kanyang pagsuko ang isang M14 rifle,magazine at mga bala.
Pagod na umano si alyas Raffy sa pakikibaka laban sa gobyerno at gusto ng mamuhay ng mapayapa kasama ang kanyang mahal na pamilya.
Nanawagan naman si Colonel Roldan sa mga NPA na patuloy na lumalaban sa pwersa ng pamahalaan at naniniwala sa mali idolohiya ng mga komunista na sumuko na.
Tiniyak naman ni General Capulong ang tulong ng gobyerno sa mga sumukong NPA sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng administrasyong Duterte.